Testemonya nang nakaraang taon.

Natuto akong tumakbo sa balikat ng bote ng alak at panyo ng sigarilyo tuwing may bagaheng dinadala at masama ang loob, hindi ako titigil hanggang hindi kumakawala ang dinadala na para bang wala ng alak bukas.Nakalimutan ko ang bolpen, lapis at aking papel. Tinignan ko kung saan ako humintoisang taong mahigit na pala mula noong natapos ko ung pangatlo kong papel.Nalasing ng alak ang aking isipan at napuno na ng usok ang puso ko na tuluyang napigilan kung paano ako huminga dati sa buhay. Nawala ang dating ako, nagpahinga,nabilanggo ng bisyo, nagtago, nanghina at muntik na ng mamatay.At ngayon habang sinusulat to gusto kong magkape sabay yosi tulad lang ng dati pero pilit pinipigilan,mahirap siguro pero HINDI, hindi din yan pampalubag-loob kundi pamapalakas ng loob para mapigilan ang pananabik.Ngayon nagigising na ang naitagong ako, nabubuhay ulit sa kung paano ako nangangarap noong mga pagkakataong dapat akong mangarap na dapat hanggang ngayon.

Im still in life now! Gising na ulit
ako. Salamat sau Michael Petilla,
happy ikalawang buwan ko :) Yosh!
Pausok tayo…ng kape! :p

clandestinepages

clandestinepage:

‎”Yung mga hayop, kapag may hindi mapagkasunduan, wala nang bulung- bulungan o parinigan, upakan at banatan na agad. Pero iba ang tao, Naku, pinauso ng tao ang parinig, pasaring, at patutsada. Dahil insecure ang mga tao sa kani- kanilang mga sarili, dapat may iba pang mga tao na tulad niya ay insecure din. “

It’s Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin Ng Alien Ang Daigdig sa 2012 ni Eros Atalia.

Ilang araw na ang lumipas, putang-ina hindi ko pa rin natutupad na naman ang pangako ko sayo. Gutom na gutom ka na sa mga salita ko, hindi ko kasi alam kung paano kita mabubusog sa ngayon, mapapasaya at mabibigyang pagasa…sabay na lang tayong mag BUNTONG-HININGA!

"A dad is someone who wants to catch you before you fall but instead picks you up, brushes you off and let you try again…A dad is someone who holds you when you cry, scolds you when you breaks the rules and shines with pride when you succeed." 

#im so blessedand lucky for having you in my life TAY FREDO..HAPPY fathers day!

-text ni kuya ko joel macasieb

hindi ko alam kung anong dahilan ng lungkot na naramdaman ko noong nabasa ko to. Dahil ba wala pa rin kaming imikan ng tay ko o dahil naiinggit ako sa kuya ko dahil ganun ang tingin niya sa tatay ko at ganun din si tay. this sheeet..KILL THE DRAMA! Kung umiinom pa si nay, magiinuman kami ngayon. Buntong-hininga na lang ulit ako dito sa tumblr.