Buntong-hininga.
Ako nga pala ay si Melanie Macasieb. Nakatira sa kung saan-saan (in short palaboy). Gusto mo pa akong makilala tanong ka lang.
(via pilosopogyno)
Namimiss ka ng mga salita sa aking isipan, hayaan mo pag maluwag-luwag ang oras magkakape tayo at magkwe-kwentuhan sa ilalim ng buwan.
With no local support, Cynthia Alexander migrates to U.S.
By Francis BrewAt the end of the month, singer, songwriter and bass player extraordinaire Cynthia Alexander is leaving the Philippines.
For good.
Cynthia is uprooting herself and her family and migrating to Seattle, Washington.
Her reason?
Career-wise, she has had very limited support.
Or, in her own words: “I am moving away because I refuse to live my life like a frog in a well!”
The best there is
Cynthia’s departure is going to be a big loss to local music. As a bassist, she can out-funk and out-slap a lot of male virtuosos. She was, in fact, honored in the 90s by Japan as one of the best there is.
Armed with Joni Mitchell-inspired open tunings, she has written pop melodies for her poems, and gave us beautiful songs that sound deceptively simple in her lilting voice. But when you try to decipher her complex guitar lines, you wonder if plays with more than 10 fingers.
In fact, Cynthia is a multi-instrumentalist. Hand her a paper bag and she’ll probably find a way to extract jewels of melodies from it.
Read more »
Catch Cynthia Alexander’s send-off gigs on June 14 (RadioRepublic), June 15 (19 East, with Humanfolk), June 16 (Conspiracy), June 22 (70s Bistro), and June 23 (Conspiracy).
Late post para sa araw ng kalayaan.
Araw ng kalayaan bukas. Ikaw may kalayaan ka ba? Malaya ka bang lumanghap ng malinis na hangin, walang bahid na maitim na usok? Malaya ka bang pumili ng bibilhing mong pisbol at kwek-kwek? Malaya ka bang ibuhos ang lahat ng gravy sa mcdo o KFC? Malaya ka bang paglaruan ang doorbell ng kapit-bahay niyo? Malaya ka bang makipaglaro sa ulan, makipagkwentuhan at makipag-lokohan magdamagan kay buwan at bituin? Malaya ka ba..malaya ka ba sa tali ng problemang nakagapos sa iyo at hinihila ka papalapit sa kalungkutan? Sige lang sumabay ka lang. Kapag isa ka sa mga malayang nakakagawa nyan, RAKERS KA! Enjoy lang ang buhay, gamitin ang kalayaan sa tamang kalayaan.
heto ako..
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-isip, hindi na nakakapagkwentuhan sa iyong maputing papel. Kamusta na ba ang buhay? Kamusta na ba ako? Kamusta na rin ang mga lamok at si kape na lageng kasama sa pagpupuyat. Nawili ako masyado sa mga magagandang larawan kaya hindi na nakakapagsulat ng mga walang kwentang bagay.Namiss ako ng ulan, namiss ako ng aking utak, ayoko ng magenglesh di ako banyaga sa aking sariling isipan! (*blepblep) (sigh) Gumagana ka pa ba aking isipan, umaandar ka pa ba ng matino, may gas ka pa ba, o puro na lang dumi at basura ang nandyan sa loob mo? Ano na bang balak mo? Ano ng plano mo sa buhay?
Ehem!Ehem! Thank you for that very wonderful and meaningful question.Well as of now, ako ngayon ay namimihasa sa buhay ng kain-tulog-linis bahay-lakwatsa-tulog. Ansarap no? Ansarap kong batukan? Hawak ko pa rin ang mga pangarap ko, may mga bagay lang hindi ko mapigilan kaya andito pa din ako. Yaan mo, nagiipon lang muna ako ng ilang sakong ngiti at lakas ng loob para may bala na ako kung sasabak na ako giyera sa mga susunod na araw. Pero minsan kailangan mo muna ng kunting panahon para makapag-isip kung ano talaga ang gusto mong gawin sa buhay mo. Kung ano ba talagang pinapangarap ng puso mo para sa isipan mo. Kung ano ba talagang pinaplano ng isipan mo para mapasaya ang puso mo.
Mothers day! May mga alaala lang akong pumasok sa mumunti kong isipan noong bata ako. Gaya ng, kanina ko pa iniisip kung ano na ang pangalan nung manong na tagabenta ng sorbetes sakin na suki ako at paborito at lageng may daya ang sukat ng askrem ko. Hindi ko na maalala ang kanyang pangalan, sa susunod na araw siguro. Ilang taon na rin kasi siyang hindi nagagawi dito sa amin eh. Siya kasi ang clown ko noong grabe ang iyak ko dahil iniwan na naman ako ng nanay ko sa kung sino mang kamag-anak ko ang pwedeng mag-alaga sakin para siya’y magtrabaho. Syempre bata ako, kaya hanggang sa pag-alis ng nanay ko at pagdating ni manong sorbetes ay umiiyak ako, titigil na lang pag may kinakain na akong ice cream at pinapatawa niya na ako. Da best yun! Saan na kaya siya?
Pangarap ko pa rin ang mga pangarap ko, hawak ko pa rin yun ng mahigpit. Darating ang panahon at pagkakataong iisa-isahin kong hawakan at ibahagi sa mga mahahalagang tao sa buhay ko. Ang gulo ng mga pinagsusulat ko gaya ng utak ko ngayon. (refill muna ng koppeee) Malapit na rin pala ang aking kaarawan, tatanda na naman ulit ako ng isang taon. Magbabago ulit ako ng isang taon dahil sa dumaan na mga pangyayari sa nakalipas na isang taon. Madameng masaya, malungkot at nakakabaliw lang. Sa ngayon, naiiyak ako sa kanta ng up dharma down na anino na kanina pang umagang nakarepeat sa playlist ko. Ang lungkot lang, gaya ng langit kanina na binuhos niya na lang lahat at ngayon tahimik at inosenteng nagbabantay sa mga natutulog na munting ilaw sa aking paningin. Paalam sayo.
Wala tong katapusan, dahil wala itong umpisa at patutunguhan.
Craving for this! :>




825
